National News
PBBM, ginagaya ang ‘double-talk’ tactic ng US sa China – political commentator
Hindi bumenta sa political writer at commentator na si Jun Abines ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi interes ng Amerika, ng Russia at ng China ang dala niya sa kanyang pag-iikot sa buong mundo.
Giit ni Marcos Jr, interes lamang daw ng mga Pilipino ang tanging bitbit at pokus niya.
Sabi ni Abines, magaling lang sa salita ang pangulo pero taliwas itong lahat sa ipinapakita niya.
“President Marcos has a habit of saying one but doing the exact opposite. Lahat ng ginagawa niya as president in the last 2 years he said something, baliktad ang ginagawa niya,” ayon kay Jun Abines.
Ani Abines, wala naman daw tayong kalabang bansa.
Pero nang maupo si Marcos at pinagbigyan ang mga Amerikano na magamit ang military bases ng Pilipinas ay doon na nagsimulang umasim ang China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
“Why do they need 9 EDCA bases in the Philippines? Tapos bakit nila tinatago ‘yung mga military bases nila sa mga siyudad? Bakit hindi sila pumunta ng island na walang tao? So, they are not really here to deter China. They are here for their own interest,” dagdag pa nito.
Ani Abines, may access naman daw si Marcos kay Chinese President Xi Jinping dahil ilang beses na itong nakapunta ng China.
Pero dahil sa presensya ng US military sa Pilipinas, mukhang magkakalabuan ang kasalukuyang administrasyon at iba pang claimants sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Kaya ang tinawag ni Abines na ‘double talk’ tactic ng US sa China ay mistulang ginagamit na rin ngayon sa Pilipinas.
“Ang sinasabi niya ay halos lip service lang. So, sa tingin ko… I think he is under the direction of the United States to do double talk,” ani Abines.
Saad ni Abines, ang US ang numero sa lahat ng mga doble-karang bansa.
Taktika ng mga sakim sa kapangyarihan at mapanglamang sa kapwa.
“Kasi as we speak mismo ang United States double din. They attack China then they kiss China they attack and kiss. Ganon din ang ginagawa ni BBM, atake kunyari pero maging friendly naman,” aniya.
Umaasa naman si Abines na magkakaroon ng policy shift sa Marcos administration.
Gamitin ang bilateral negotiation sa halip na megaphone diplomacy sa China sa WPS.
“Yung United States marami na silang mga economic favor na nakuha sa China. Tayo? We are totally shut out! Tayo ang naiwan kasi ang naiwan kasi ang China is producing very affordable and good technology na hindi na natin makikinabangan,” sabi pa nito.
