Connect with us

PBBM, gumawa ng ‘good impression’ sa APEC Meeting – Rep. Arroyo

PBBM, gumawa ng 'good impression' sa APEC Meeting – Rep. Arroyo

National News

PBBM, gumawa ng ‘good impression’ sa APEC Meeting – Rep. Arroyo

Pinuri ni Dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa good impression na kanyang dala sa paglahok sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit,

Ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS), ang naturang pahayag ng mambabatas.

Saysay pa ni Arroyo, gumawa si Pangulong Marcos ng napakagandang impresyon sa kanyang unang pagharap sa ‘most important economic leaders at thinkers’ sa mundo.

“Well, it was his first appearance as President on the world stage because the Asia-Pacific region covers more than half of the world’s economies. And he certainly made a very good impression on the leaders of the very important economies. And not only the very important economies, also on the great economic thinkers of the world,” ani dating Pang. GMA.

Samantala, inilarawan naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang unang paglabas ng Pangulo sa Asia-Pacific meeting bilang “highly successful” na talagang mapakikinabangan ng bansa.

‘Very relaxed at very uplifiting, ani ople, ang naturang meeting kung saan nakabuo ang pangulo ng isang magandang ugnayan sa iba pang economic leaders.

Saad pa ni Ople, makikita na both sides, excited mag-engage lalo na noong nakausap na ni Pangulong Marcos ang crown prince ng Saudi Arabia.

Sa bilateral meeting ng pangulo sa crown prince, inilahad ng gobyerno ng Saudi ang pagkakaloob ng kompensasyon para sa hindi nabayarang sahod ng humigit-kumulang 10,000 OFWs na nagtrabaho sa mga construction firm ng Saudi Arabia na nabangkarote ilang taon na ang nakararaan.

More in National News

Latest News

To Top