Connect with us

PBBM, hinamong magpa-drug test ng dati nitong ES

PBBM, hinamong magpa-drug test ng dati nitong ES

National News

PBBM, hinamong magpa-drug test ng dati nitong ES

Lead by example!

‘Yan ang hamon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa mga taga-pamahalaan ngayon.

Lalo na sa kaniyang dating boss at kaibigan na si Pangulong Bongbong Marcos.

Ang hamon? Sumalang ang mga ito sa isang credible drug test.

Sa katunayan, nauna nang nagpa-drug test si Rodriguez kahit pa nasa pribadong sektor na siya para daw magka-alaman na.

“Simple lang naman, nakapadaling tuldukan. Kung gusto mo exclamation point pa eh hindi ba? Eh undergo a credible drug examination,” ayon kay Atty. Vic Rodriguez.

Nag-ugat ang hamon ni Rodriguez matapos ilabas kamakailan ng political vlogger na si Maharlika ang kopya ng PDEA operations report kung saan tinuturong subject si Marcos Jr. sa isang 2012 anti-drug operations.

Inuugnay si Marcos Jr. sa umano’y paggamit ng cocaine.

Mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na mula noon hanggang ngayon ay ‘bangag’ ang kasalukuyang presidente ng bansa.

Pero ang PDEA, sinabing peke ang nasabing report.

“Undergo a credible and acceptable drug examination. Kung mali kung sino di mananahimik na ‘yung mali. Diba? Hindi puwede ‘yung peke ‘yan peke ‘yan. Ah hindi kasi ganito-kasi ganyan oh eh di magpa-test ka,” dagdag pa nito.

Samantala, nilinaw naman ni Rodriguez na hindi siya kasama ni Marcos Jr. noong magpa-drug test ito taong 2021 bilang kandidato sa eleksyon.

Inabot lamang sa kaniya ang resulta ng drug test at iprinisenta sa mga ahensya ng gobyernong may kinalaman sa iligal na droga.

Kinu-kuwestyon kasi ang 2021 drug test ni Marcos Jr. dahil sa bilis ng pagkuha ng resulta na umabot lamang umano ng 2 minuto.

“No, I was not with him. When he subjected himself to the drug test. I have answered this many times in the past. Now, what I have is the result. Yes, the result was handed to me. And yes, I was his lawyer, I was his spokesperson, I was his Chief of Staff. So, of course I will have to defend him,” saad pa ni Atty. Vic Rodriguez.

At ngayong dini-demand ng taumbayan bayan si Marcos Jr. na muling magpa-drug test, hair follicle test naman ang panawagan ni Rodriguez dito.

“I agree. Kasi pag na-drug test na ‘yung… using ‘yung test kit or ‘yung urine, meron na namang magku-kuwestyon baka hindi mo ihi ‘yan…Baka uminom ka ng—although walang scientific explanation ito’y naki-kwento ko lang Admar at Carla ah na baka uminom ka kasi ng mga isang galong buko—na washout etcetera. Para matapos ‘yan, gamitin natin ‘yung pinaka-scientificaly reliable which is ‘yung follicle ng buhok doon sa mga nasa gobyerno,” pahayag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top