Connect with us

PBBM, hindi nilagdaan ang panukalang magpapalawig ng prangkisa ng Davao Light

Na-veto ni PBBM ang panukala na nagsusulong para mapalawig pa sa franchise area ng Davao Light and Power Company (DLPC) sa Davao del Norte.

National News

PBBM, hindi nilagdaan ang panukalang magpapalawig ng prangkisa ng Davao Light

Na-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na nagsusulong para mapalawig pa sa franchise area ng Davao Light and Power Company (DLPC) sa Davao del Norte.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz sa press briefing sa palasyo ng Malacañang.

Aniya, ito ay dahil maaari nitong labagin ang franchise coverage area ng North Davao Electric Cooperative.

Magugunitang, nakasaad sa house bill 10554 na papalawigin pa ang franchise area ng DLPC, isang Aboitiz Power Firm sa Tagum City, Island Garden City of Samal (IGACOS), Asuncion, Kapalong, New Corella, San Isidro at talaingod sa Davao del Norte.

Sa ngayon, ang mga lugar na ito ay sakop ng Northern Davao Electric Cooperative (NORDECO).

Sa ngayon, ang sakop lamang ng DLPC ay ang Davao City, Panabo City, Carmen, Dujali, at Sto. Tomas sa Davao del Norte.

Bukod pa rito, may permit pa ang North Davao Electric Cooperative Inc. na epektibo hanggang 2028 at 2033.

Ito ay taliwas sa nakasaad sa batas sa Section 27 ng Republic Act No. 9136 o ang epira na dapat payagan ang mga existing franchise na mag-operate ng full term.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top