Connect with us

PBBM, humingi ng pang-unawa sa Filipino community sa Dubai dahil sa naudlot na biyahe sa UAE

PBBM, humingi ng pang-unawa sa Filipino community sa Dubai dahil sa naudlot na biyahe sa UAE

National News

PBBM, humingi ng pang-unawa sa Filipino community sa Dubai dahil sa naudlot na biyahe sa UAE

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maunawaan ng Filipino community sa Dubai ang hindi natuloy na biyahe nito sa United Arab Emirates (UAE).

Magiging unang aktibidad sana ng punong-ehekutibo ang pakikipagkita sa mga Pilipino sa Dubai pagkarating niya roon.

Sa isang video message, ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang paghingi ng tawad sa Filipino community sa UAE matapos niyang piliin na kanselahin ang kanyang paglalakbay sa Dubai para personal na tugunan ang mahahalagang pangyayari sa na-hostage na 17 Filipino seafarers.

“Salamat at kayo ay nakahanap ng oras para tayo’y sana dapat na magsasama-sama. Dapat ay magkasama tayo ngayon sa malaking pagtitipon ng Fil-Com sa iba’t-ibang bansa. Kaso na nga lang ay medyo malungkot kasi hindi tayo natuloy,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Giit ni PBBM, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng magagamit na mga remedyo para ligtas na maiuwi ang 17 Pilipinong marino na na-hostage ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen.

“Ginagawa natin lahat ng paraan upang sila ay maiuwi na.”

“At sa – kaya’t binubuo natin ang isang delegasyon para pumunta sa kanila at makipag-usap dun sa mga may hawak sa kanila para makauwi na sila. Kaya’t, siguro naman maunawaan ninyo, na inuna muna natin ‘yan dahil kailangan nating tiyakin ang syempre ang seguridad ng ating mga kababayan,” dagdag pa ng pangulo.

Ibinahagi ng chief executive na mayroon nang mga Pilipinong apektado ng Israel-Hamas conflict na ligtas nang nakauwi sa Pilipinas sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa kabila nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na makakapiling din niya ang Filipino community sa UAE sa kanyang mga opisyal na biyahe sa hinaharap.

Nabatid na dadaluhan sana ni PBBM ang 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai ngunit hindi natuloy.

 

More in National News

Latest News

To Top