National News
PBBM, ipinag-utos sa gov’t officials na huwag gumamit ng sirens at blinkers
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa lahat ng government officials at personnel na huwag gumamit ng sirens at blinkers o anumang signaling at flashing devices na kung tawagin sa kabuoan ay “wang-wang”.
Itoy para hindi na makapag-ambag pa sa malalang traffic condition sa Metro Manila.
Exempted lang dito ang emergency vehicles, fire trucks, hospital ambulances, Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP).
Sa panahon ng administrasyon ng namayapang dating pangulo na si Noynoy Aquino ay may kapareho na ring utos hinggil sa wang-wang.
