Connect with us

PBBM, labis na ikinatuwa ang ulat na 56 pang Pilipino ang nakaalis sa Gaza sa gitna ng Israel-Hamas conflict

PBBM, labis na ikinatuwa ang ulat na 56 pang Pilipino ang nakaalis sa Gaza sa gitna ng Israel-Hamas conflict

National News

PBBM, labis na ikinatuwa ang ulat na 56 pang Pilipino ang nakaalis sa Gaza sa gitna ng Israel-Hamas conflict

Nagpahayag ng kagalakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makatanggap ng ulat na 56 pang Pilipino ang nakaalis sa Gaza sa gitna ng Israel-Hamas conflict.

Sa kanyang official social media account na inilabas nitong Biyernes, November 10, 2023, sinabi ni Pangulong Marcos na ang panibagong bilang ng mga Pinoy na nakaalis ng Gaza ay karagdagan doon sa naunang 42 na tumawid sa Rafah Crossing patungong Egypt.

Ito ay nagdala ng kabuuang 98 mula sa 137 na orihinal na nasa Gaza.

Inilahad pa ni Pangulong Marcos na 34 sa mga Pinoy na ito ang nakasakay sa kanilang flight papuntang Qatar at darating ng bansa mamayang 4:30 pm.

Giit ng punong-ehekutibo, pinakamahalaga ang ligtas na paglalakbay ng mga Pilipino.

Noong Miyerkules, ipinaabot ng pangulo ang kanyang pasasalamat sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa mga embahada ng Israel, Jordan at Egypt para sa ligtas na pagtawid ng 40 Pilipino mula sa Gaza Strip sa pamamagitan ng Rafah Crossing sa Egypt.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na ang natitirang mga Pilipinong naghihintay ng signal na lumabas sa hangganan ng Rafah ay makatatawid kasama ang kanilang mga pamilya.

More in National News

Latest News

To Top