National News
PBBM, magbibigay ng pondo para sa 100-M na itatanim na niyog ng PCA
Ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Philippine Coconut Authority (PCA) na magbibigay ito ng pondo para sa kanilang itatanim na 100-M na niyog.
Kinumpirma ito mismo ng Malacañang.
Ayon sa Pangulo, suportado nya ang PCA dito dahil malaki ang tsansa ng Pilipinas sa niyog sa merkado lalo na’t lahat ng bahagi nito ay maaaring ibenta.
Tugon na rin ito sa hiling ng Private Sector Advisory Council (PSAC) agriculture sector group na bilisan ang implementasyon ng kanilang malawakang tree planting program.
