Connect with us

PBBM, magpapatayo ng 1-K pabahay para sa mga pulis at sundalo

PBBM, magpapatayo ng 1-K pabahay para sa mga pulis at sundalo

National News

PBBM, magpapatayo ng 1-K pabahay para sa mga pulis at sundalo

Pangulong Bongbong Marcos, magpapatayo ng isang libong para sa mga pulis at sundalo.

“Ang dami sa pulis natin ay homeless kung saan saan na lang nakatira, and the truth be told ang iba squatter talaga at wala na silang matirahan. So, we have to remedy that situation at amrami tayong pinapagawa sa kanila. The military is the same thing, we have to help them with their housing,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na determinado ang gobyerno na suportahan at pagkalooban ng pabahay ang mga miyembro ng kapulisan at sandatahang lakas.

Una rito, nagkaroon ng pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Rizalino Acuzar, at Cavite Governor Jonvic Remulla ukol sa pabahay project.

Sa isang media interview naman sa Taguig City nitong Miyerkules, March 22, sinabi ni Pangulong Marcos na magtatayo ang pamahalaan ng 1,000 housing units: 500 para sa mga pulis at 500 para sa mga sundalo.

Sinabi ng punong-ehekutibo na uunahing pagkalooban ng pabahay ang mga nasiraan ng tahanan dahil sa bagyo.

Malaking bagay aniya na hindi na kailangang alalahanin ng mga pulis at sundalo kung saan sila uuwi at saan uuwi ang kanilang pamilya.

Ibinahagi naman ni Pangulong Marcos na nakakita na ang gobyerno ng lokasyon sa bahagi ng Cavite na angkop para sa housing program.

“So, we found a property in Cavite that we find is suitable to begin a housing program not only for the military but also for the PNP. So ang ka meeting ko kahapon ang chief of staff at saka ang chief PNP, kasama natin the acting SND and their staff, at pinagusapan namin kung papaano ang maging sistema, dahil kelangan namin i-design yung sistem kasi naiba ang sitwasyon, lalo na ang militar, kesa sa civilian population,” dagdag pa ng pangulo.

Sa kasalukuyan, ani Pangulong Marcos, itinatakda na ang sistema para maisama ang mga tauhan ng PNP at AFP sa financing system kasama ang pampubliko at pribadong mga bangko.

“Ang naging, hindi naman problema yung pagpapatayo, kung hindi papaano ang magiging financial scheme, kasi iba naman ang sitwasyon. for example, the military, how do we handle the transfer of pag nilipat sila sa ibang lugar, what can they do, mawawala na lang ang bahay nila, so what’s the financing that we can provide. So ngayon those details are being worked out,” ani Pangulong Marcos.

More in National News

Latest News

To Top