Connect with us

PBBM, muling bubuhayin at palalakasin ang bansang pinabagsak ng pandemya

Nangako rin si President Bongbong Marcos na muli nitong bubuhayin at palalakasin ang bansa na pinabagsak ng pandemya.

National News

PBBM, muling bubuhayin at palalakasin ang bansang pinabagsak ng pandemya

Nangako rin si President Bongbong Marcos na muli nitong bubuhayin at palalakasin ang bansa na pinabagsak ng pandemya.

Sa kanyang talumpati inilahad ng bagong pangulo ang ilang sektor na pagtuunan ng pansin ng kanyang admnistrasyon.

Kabilang na dito ang agrikultura, energy supply, OFWs, edukasyon, nurses, imprastraktura at turismo.

Muling binigyang-diin rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkakaisa ng bansa dahil aniya, tayong lahat ay bahagi ng Pilipinas bilang mga Pilipino

Ayon kay Marcos, hindi dapat ibang bansa ang magdesisyon para sa atin kundi tayong mga Pilipino ang dapat na maging katuwang ng gobyerno para magkaroon ng mas maunlad na Pilipinas.

Tinukoy rin ni Pangulong Marcos na ang kanyang panawagan ng pagkakaisa noong panahon ng kampanya na tinugon ng mayorya ng mga Pilipino ay naglalarawan ng pagbasura ng sambayanan sa dibisyon ng pulitika.

More in National News

Latest News

To Top