National News
PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa Morocco
Nagpaabot ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa taga-Morocco na lubos na tinamaan ng 6.8-magnitude na lindol.
Sinabi ni Pangulong Marcos na labis ang lungkot ng mga Pilipino sa sinapit ng Morocco kung saan nakapagtala ng nasa mahigit 2-K katao na nasawi.
Dagdag pa ni PBBM, nananalangin ang buong sambayanang Pilipino para sa naiwang pamilya ng mga biktima ng naturang trahedya.
Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan si Pangulong Marcos Jr. na magbigay ng anumang tulong sa Morocco para sa mabilis na pagbangon ng bansa.
Sa kabilang banda, wala pang naiulat ang Embahada ng Pilipinas sa kasalukuyan na nasawi o naapektuhan na mga Pilipino sa nasabing trahedya.
Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Embahada para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino.
