Connect with us

PBBM, nais magkaroon ng malakas na ugnayan ang private at public sector para sa healthcare

PBBM, nais magkaroon ng malakas na ugnayan ang private at public sector para sa healthcare

National News

PBBM, nais magkaroon ng malakas na ugnayan ang private at public sector para sa healthcare

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng mas matibay na kolaborasyon sa pagitan ng pribado at pampublikong sektor para sa usaping pangkalusugan.

Bukod sa nais ni PBBM na magkaroon ng improvement sa health sector, ay gusto rin ng pangulo na mapaghusay pa ang digitalization sa bansa.

Inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suriin ang “best practices” at isama ang  digitalization initiatives para sa pagpapa-ibayo ng health insurance operations at pag-alok ng health benefits.

Ang pagpapalakas ng public-private partnership kasama ng malakas na third-party assessments, sabi ng pangulo, ay tutugon sa efficiency concerns sa pagharap sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga Pilipino.

Sa pulong, tinalakay din ang mga development sa tinatawag na “ladderized program” para sa mga manggagawang medikal.

Nauna nang sinuportahan ng pangulo ang panukalang magpatupad ng “ladderized program” para tugunan ang “brain drain” sa mga nurse sa bansa.

Samantala sinabi rin ni Pangulong Marcos Jr. na maaaring gamitin ng gobyerno ang pagbibigay ng mga iskolarsip para sa mga nars at iba pang manggagawang medikal.

Ito’y dahil maraming mga bansa ang nag-aagawan upang makahanap ng healthcare professionals na mamamahala sa kanilang mga ospital at pasilidad na medikal.

Inilahad ng pangulo na kahit papaano aniya ay makapagsilbi man lang ang medical professionals sa sariling bansa kapag mag-avail sila ng government scholarship program.

Ito’y bagama’t hindi mapipigilan ng gobyerno ang mga nars na umalis para sa mga trabahong may mataas na suweldo sa ibang bansa.

Sa kabilang dako, inihayag ni Department of Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinitingnan ng gobyerno ang “bilateral partners” upang magbigay ng scholarship programs para sa medical students at professionals

Saad pa ni Vergeire, ang pagpapabuti ng scholarship programs para sa Filipino healthcare workers ay mahalaga din sa pagtugon sa concerns ng healthcare workforce.

Nagpahayag ang DOH ng pag-asa na makabuo ng mas maraming mga nars habang ipinatutupad ng gobyerno ang naturang programa.

 

 

More in National News

Latest News

To Top