Connect with us

PBBM, nanawagan para sa pagtataguyod ng kalidad na trabaho at pagbangon ng labor market

PBBM, nanawagan para sa pagtataguyod ng kalidad na trabaho at pagbangon ng labor market

National News

PBBM, nanawagan para sa pagtataguyod ng kalidad na trabaho at pagbangon ng labor market

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng employer, manggagawa, at iba pang stakeholder na manatiling nagkakaisa sa pagtataguyod ng ganap na pagbangon ng labor market sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

Kinatawan ni Pangulong Marcos si Executive Secretary Lucas Bersamin bilang Guest of Honor at Keynote Speaker sa ‘DOLE@90 Stakeholders’ Night: Gabi ng Parangal at Pasasalamat’ na ginanap nitong Huwebes, December 7, sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng punong ehekutibo ang mga stakeholder sa paggawa ng higit at mas mataas na kalidad ng mga trabaho tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Pinuri ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagdiriwang ng ika-90 taon ng pagtataguyod ng mga oportunidad sa trabaho at pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

Kinilala rin ng pangulo ang awardees at mahahalagang katuwang ng gobyerno.

Pinagtibay ng chief executive na ang labor protection at industrial peace bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Ang event ay parte ng week-long celebration ng 90th Founding Anniversary ng DOLE na may temang “Serbisyong Mabilis at Matapat sa Bagong Pilipinas.”

Kasama sa iba pang mga aktibidad sa event ang pagsasagawa ng mga nationwide job fair, pagpapalabas ng payouts sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at ang Kadiwa ng Pangulo para sa mga Manggagawa.

More in National News

Latest News

To Top