Connect with us

PBBM, nanood ng FIBA World Cup Asian Qualifier Game

PBBM, nanood ng FIBA World Cup Asian Qualifier Game

National News

PBBM, nanood ng FIBA World Cup Asian Qualifier Game

Hindi pinalampas ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang pagkakaton na personal na mapanood ang paglalaro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifier Game laban sa Saudi Arabia.

Dahil sa presensya ng chief executive sa Mall of Asia (MOA) Arena kung saan ginanap ang FIBA World Cup Asian Qualifier ay naging sobrang higpit ng seguridad na ipinatupad ng mga awtoridad.

Nagkaroon ng pagkakataon na nakita sa screen ang Pangulong Marcos at kitang-kita ang tuwa nito habang pinapanood ang laban.

Ito ang final game ng August Window at kabilang sa koponan ng Pilipinas ang Filipino American National at NBA superstar ng Utah Jazz na si Jordan Clarkson.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok si Clarkson kung saan ginanap mismo sa home court ng Gilas Pilipinas ang qualifier game.

Nanalo ang Gilas Pilipinas sa score na 84-46 laban sa Saudi Arabia kasabay ng palakpak ng pangulo habang napatayo ito at napataas ang dalawang kamay dahil sa katagumpayan na nakamit ng koponan ng bansa.

COURTESY: PBBM FB

COURTESY: PBBM FB

Tinanghal si Clarkson na bilang best player of the game kung saan nakapagtala ito ng 23 points, 5 rebounds at 6 assists.

Ito ang unang pagkakataon na personal na nagpakita si Pangulong Marcos sa isang sports event bilang chief executive ng bansa.

Spotted din ang ilang mga senador na nanood ng laban tulad nina Sen. Bong Go, Ronald Bato Dela Rosa, Francis Tolentino, JV Evercito, Sonny Angara at Joel Villanueva.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top