National News
PBBM, nasa Camarines Sur para daluhan ang iba’t ibang aktibidad
Alas 6 palang ng umaga ay dinagsa na ng mga mamimili ang kauna unahang dito sa Bicol region.
Tampok dito ang mga murang bilihin gaya na lamang ng bigas na nasa P25 kada kilo, itlog (large) nasa P189.00 kada tray, sibuyas P100 kada kilo, carrots P60, ampalaya P110 per kilo, repolyo P60 per kilo at marami pang iba.
Mayroon ding sweet delights, prutas, karne at marami pang iba.
Ang Kadiwa ng Pangulo program ay naglalayon na mabigyan ang mga Pilipino ng sariwa at abot-kayang produktong pang-agrikultura at pangisdaan mula mismo sa mga lokal na magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo.
Nakatutulong din ito para mapataas ang kita ng mga ito.
Bukod sa Kadiwa, pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang groundbreaking ceremonies ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Projects sa 2 lugar ng Naga City.
Ang Pabahay project ay isang programang nakatakdang lumikha ng 1 milyong housing units sa bansa bawat taon hanggang 2028.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Dadaluhan din ni PBBM ang distribusyon ng ibat ibang government assistance sa Municipality of Pili.
Samantala, naka-alerto na rin ang kapulisan sa mga lugar na pagdadarausan ng event na dadaluhan ng pangulo.
Ayon kay Asec Dominic Tolentino ng Regional Operations Group (ROG) ng Department of Trade and Industry (DTI), nasa 60 sellers ang nagparticipate ngayon sa Kadiwa dito sa Pili Camarines Sur.