Connect with us

PBBM, nilinaw na wala siyang personal na isyu vs kay dating Pang. Duterte

PBBM, nilinaw na wala siyang personal na isyu vs kay dating Pang. Duterte

National News

PBBM, nilinaw na wala siyang personal na isyu vs kay dating Pang. Duterte

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang personal na isyu sa kanyang hinalinhan na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga umuusbong na maiinit na usapin.

Sa panayam ng Philippine media sa sideline ng kanyang 3 araw na pagbisita sa Germany, sinabi ni Pangulong Marcos na alam niya kung paano haharapin ang mga personal na isyu, gayundin ang iba pang isyu na may kaugnayan sa kanyang trabaho.

“So, like I told you many times before, hindi ako namemersonal. Para sa akin, hindi naman madali, pero nahihiwalay ko ‘yung trabaho at saka ‘yung personal. So, I don’t see a problem there,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Ipinaabot naman ni Marcos ang kanyang pagbati sa nalalapit na kaarawan ni former President Duterte.

“Like I told you before, although there is an official greeting from the Office of the President, there will also be greeting, e personal ko namang kilala si PRRD,” dagdag pa ng pangulo.

Ito ang sinabi ni PBBM nang tanungin kung may birthday wish siya kay dating Pangulong Duterte.

Samantala, may pahayag naman si Marcos Jr. sa mga pagbatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang pagsuporta na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan niyang suriin muna ang komento ni former President Duterte.

Nalilito aniya siya dahil ‘inconsistent’ daw si FPRRD sa mga pahayag nito.

“Nako-confuse kasi ako sa kay PRRD kung bakit papalit-palit e. So, I’ll have to examine it further really kasi very kulang ang naririnig ang balita at ang kaniyang mga remarks.  So, tingnan ko muna kung ano ba talaga ang sinabi niya para maintindihan ko,” ani Pres. Marcos

Ang pahayag ni Marcos Jr. ay ginawa matapos siyang hingan ng komento sa mga pahayag ni dating Pangulong Duterte sa kanyang tunay na motibo sa pagsuporta sa Charter Change (Cha-Cha).

Nauna nang idiniin ni Pangulong Marcos na ang mga gagawing reporma sa konstitusyon ay limitado sa economic provisions.

Kamakailan lang sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally, sinabi ni dating Pangulong Duterte na term extension talaga ang puntirya ng kasalukuyang administrasyon.

Mga dahilan lang umano ng administrasyong Marcos ang mga probisyong nais nitong baguhin sa Saligang Batas.

“‘Yung constitution na inabot under which Marcos was elected, ganun din, one term, six years, ito excuses nalang ito, kagaya ni Marcos sa tatay niya, ang puntirya talaga nila, ito ito term extension.”

“So, kung may galawin man ang konstitusyon, isa lang, pahabain lang talaga ni Marcos, kung ano ang ginawa ng tatay niya, gagawain niya,” ayon naman kay former Pres. Rodrigo Duterte.

Tinawag ni former President Duterte na kababuyan ang balak na pagpapahaba ng termino.

Binara rin ng dating pangulo ang kumakalat na peoples initiative (PI).

Pinayuhan naman ni FPRRD ang mga Pilipino na manindigan at huwag magpaloko sa ipinapakalat na pirma o PI at huwag ding pumayag sa term extension.

“Kaya huwag kayong pumayag, basta matunaw na iyang mga kamay ninyo.”

“Wag na wag na ‘wag niyong pumayag na mangyari ito.”

“Wag kayong pumayag sa kabalastugan na ‘yan.”

“Masisira ang mga Pilipino. You would lose your direct vote,” saad pa ng dating pangulo.

More in National News

Latest News

To Top