National News
PBBM, panauhing pandangal sa ika-48 Philippine Business Conference
Panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa
Ang naturang Expo ay binubuo ng Filipino businessmen at inorganisa ang event ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Nagsimula ang okasyon ngayong alas 5:00 ng hapon sa Fiesta Pavilion sa The Manila Hotel.
Pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang presentation of awards para sa Most Business-Friendly LGU at Most Outstanding Chamber.
Sa business conference, inaasahang iaabot ni EMS Group of Companies Chairman and CEO Ferdinand Ferrer kay pangulong marcos ang conference resolutions.
Ang 48th Philippine Business Conference and Exposition ay naglalayong simulan ang diyalogo sa mga pangunahing hakbang sa patakaran at programa hinggil sa negosyo at ekonomiya.
Mahalaga ang mga naturang usapin sa pag-navigate sa Pilipinas tungo sa ganap na pagbangon at paglago ng bansa.