National News
PBBM, pinabubuwag ang PACC at Office of the Cabinet Secretary
Pinabubuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga opisina ng Office of the Cabinet Secretary at ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Ayon kay PBBM, mas kailangan maglaan ng maraming pondo para sa kalusugan sa gitna ng fiscal crisis kaya dapat pasimplehin ang internal management at pamamahala ng Office of the President.
Saad rin ni PBBM, dapat na ring mabuwag ang mga duplicated at overlapping official functions para makamit ang simplicity, economy at efficiency na hindi naaapektuhan ang internal management at governance.
Sa ilalim ng EO no. 1 ni PBBM, ang kapangyarihan at trabaho ng PACC ay ililipat sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Bagama’t binuwag ng pangulo ang dalawang tanggapan, nilikha naman nito ang Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs, na nasa ilalim ng administrasyon ng Special Assistant to the President.
Bukod sa EO 1, ipinag-utos din ni PBBM sa ilalim ng kanyang EO no. 2 ang pagre-organisa at pagpapalit ng pangalan ng Presidential Communications Operations Office sa Office of the Press Secretary at ang pagbuwag sa Office of the Presidential Spokesperson.