Connect with us

PBBM, pinamomonitor ang pag-isyu ng protocol license plates sa mga piling gov’t officials

PBBM, pinamomonitor ang pag-isyu ng protocol license plates sa mga piling gov’t officials

National News

PBBM, pinamomonitor ang pag-isyu ng protocol license plates sa mga piling gov’t officials

Pinamomonitor ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pag-isyu ng mga protocol license plate sa piling government officials.

Itoy dahil sa mga natatanggap nitong reklamo hinggil sa hindi otorisadong paggamit ng mga plaka.

Sa Executive Order No. 56 ng pangulo, binigyang-diin nito na iilan lang ang pinapahintulutan na gumamit ng protocol license plates at hindi lahat ng mga opisyales ng gobyerno.

Tanging mabibigyan at pinapahintulutan nito ay ang pangulo ng bansa para sa plate no. 1; ikalawang pangulo para sa no. 2; Senate president sa no. 3; House speaker sa no. 4; Supreme Court chief justice para sa no. 5; cabinet secretaries sa no. 6; mga senador sa no. 7; mga kongresista sa no. 8; at associate justices ng Korte Suprema sa no. 9.

Ang presiding justice ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at Solicitor General ay no. 10; ang chairperson ng Constitutional Commission at Ombudsman ay no. 11; at ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines at hepe ng Philippine National Police sa no. 14.

Nilinaw rin ni PBBM na incumbent o kasalukuyang opisyales lang ng pamahalaan ang gagamit nito.

More in National News

Latest News

To Top