National News
PBBM, pinangasiwaan ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas
Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa isang seremonya sa Palasyo ng Malacañan nitong Huwebes, Agosto 24, 2023.
Kabilang sa nanumpa si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos bilang pinakabagong miyembro ng partido.
Ang PFP ay ‘formally accredited’ ng Commission on Elections (COMELEC) noong Oktubre 2018.
Si Pangulong Marcos Jr. ay tumayo bilang standard-bearer ng partido noong 2022 national elections.
