Connect with us

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng 106th birth anniversary ng kanyang ama na si Ferdinand E. Marcos Sr.

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng 106th birth anniversary ng kanyang ama na si Ferdinand E. Marcos Sr.

National News

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng 106th birth anniversary ng kanyang ama na si Ferdinand E. Marcos Sr.

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa monumento ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand E. Marcos Sr., bilang paggunita sa ika-106 na anibersaryo ng kapanganakan ng dating pangulo

Ginanap ito sa Marcos Monument sa Lungsod ng Batac, Ilocos Norte nitong Lunes, Setyembre 11, 2023.

Nagbigay naman ng kanyang talumpati si Pangulong Marcos Jr sa naturang okasyon.

Kasama sa dumalo sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Cong. Sandro Marcos, Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc at iba pang opisyal.

Pagkatapos ng wreath-laying ceremony, ay nakiisa ang pangulo sa itinampok na mga lutuing bahay mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Ilocos Norte para sa Natnateng Cook-Off Showdown na nagtatampok ng local vegetable dishes at iba pang mga delicacy ng lalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang.

Bago ang seremonya ng wreath-laying, dumalo si Pangulong Marcos Jr. at ang First Family sa isang Thanksgiving Mass.

More in National News

Latest News

To Top