Connect with us

PBBM, pinatutugunan ang mga isyu sa power supply kasunod ng pagpalya ng ilang planta ng kuryente sa Luzon

PBBM, pinatutugunan ang mga isyu sa power supply kasunod ng pagpalya ng ilang planta ng kuryente sa Luzon

National News

PBBM, pinatutugunan ang mga isyu sa power supply kasunod ng pagpalya ng ilang planta ng kuryente sa Luzon

Isang whole of nation approach at hiling ng pamahalaan kasunod ng pagpalya ng ilang planta ng kuryente sa Luzon.

Nitong Martes, ika-16 ng Abril, nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng red at yellow alert status sa Luzon Power Grid at yellow alert sa Visayas.

Inatasan ang Department of Energy (DOE) na mahigpit na subaybayan at makipag-ugnayan sa lahat ng stakeholders para matugunan ang sitwasyon ng suplay ng kuryente.

Ang lahat ng ahensiya, pinagtitipigld na rin sa enerhiya at konsumo ng kuryente.

Bilang tugon, sinabi ng DOE, sa pamamagitan ng Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB), ay mahigpit na nagmomonitor at nakikipag-ugnayan sa NGCP at lahat ng generation companies sa kasalukuyang kondisyon ng supply ng kuryente.

Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na walang dapat sayangin na enerhiya sabay binigyang-diin ang kahalagahan para sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na manguna sa pagtitipid ng enerhiya.

Hinihikayat din ng kalihim ang industrial at commercial establishments na bawasan ang paggamit ng kuryente sa peak hours upang makatulong na mabawasan din ang epekto ng kakulangan sa suplay.

Ang isang yellow alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay hindi sapat upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Iniisyu naman ang isang red alert status kapag ang power supply ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng consumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

More in National News

Latest News

To Top