Connect with us

PBBM, pinayuhang isantabi ang sovereignty issue sa WPS

PBBM, pinayuhang isantabi ang sovereignty issue sa WPS

National News

PBBM, pinayuhang isantabi ang sovereignty issue sa WPS

Mas marami pang dapat pagtuunan ng pansin ang Pilipinas kesa ang territorial issues sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni dating National Security Adviser (NSA) Dr. Clarita Carlos na pinayuhan niya si Pangulong Marcos bago pa siya magresign noon na isantabi ang issue sa WPS at mag-concentrate sa mga bagay na mas mahalaga para sa bansa.

“Magmove tayo from high politics to low politics. Ibig sabihin, I-set aside natin ‘yung territorial sovereignty issues kasi walang paroroonan ‘yan. Talagang magtatagisan ang 6 na bansa na hiwa-hiwain ang dagat na alam natin, puro lang, na puro lang ‘yan usapan at girian.  Bumaba tayo sa low politics area na kung saan ang ating pag-uusapan ay ang mas mahalaga sa atin: Isda, bukod sa isda, ‘yung resources, ‘yung seabed, turismo sa karagatan,” ayon kay former NSA, Dr. Clarita Carlos.

Sa nangyayaring tension sa WPS, ay maraming nagsasabi o naniniwala na posible itong mauwi sa giyera sa pagitan ng Pilipinas at China.

Pero para kay Carlos, hindi tayo mauuwi roon lalo pa’t sa kasaysayan ay wala pang nangyayaring giyera na sangkot ang China.

“Walang gusto ng giyera. Maraming mamamatay, maraming maabala. Ang gusto ng lahat, magtinda. China is the manufacturer of the world. Ang gusto rin natin, magtinda ng saging, pineapple at mangga. So dapat magtinda-tinda tayo. Dapat ‘yan ang talagang dapat nating gawin. Itong mga giriang ito, whenever magsasalpukan tulad ng nangyari noong 1988, ‘yung Vietnam, sa Spratley, nagtanim sila ng flag ng Vietnam. Dumating ‘yung China. Binunot ang flag ng Vietnam. Tinanim ‘yung flag ng China. Dumating ang Vietnam, tinanggal ang flag ng China, salpukan, 100 namatay, mga Vietnamese. Hindi naman nagka-giyera. Na-solve. Nagusap-usap,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng dating opisyal na dapat magkaroon ang Pilipinas ng modus vivendi o maayos na usapan sa WPS kasama ang China at huwag hayaan na tayo ay nabubulungan ng kung sinu- sino lalo pa’t ating iginigiit na isa tayong malayang bansa.

“The PH should have modus vivendi with China, na walang nagbulong bulong sa kaniya. Huwag mong ipakita na binulong bulungan lang tayo. Ginagamit mo naman ang independent eh, pangatawanan mo, bigyan mo ng beef ang independent. Wag tayo magsabi sabi ng bulong. Kasi yong mga estranghero diyan hindi talaga alam ang real situation sa atin. Alam natin yon, damdam na damdam natin yon,” ani Carlos.

Samantala, iginiit naman ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales, na maaaring maghanda sa giyera ang China kung ang pinag-uusapan ay ang issue sa territoryo.

 “Ang China, ayaw nang gyera, like most countries in the world. Ayaw ng gyera. But they will be prepared to go war when the issue pertains to territory. Basta teritoryo ang pag uusapan. They will be prepared to go to war. Very importante ‘yan kasi ‘yan ang issue na hinaharap ay teritoryo,” ayon naman kay former National Defense Secretary, Norberto Gonzales.

Sinabi din nito na sa panahon ngayon, kailangan ng bansa ang isang tunay at magaling na lider.

“Dumating tayo sa punto na ang sitwasyon ng ating bansa at lipunan at nangangailangan ng isang tunay at magaling na liderato. Political leadership is important considering what’s going on. I am not talking about one person. I am talking group of person,” dagdag pa ni Norberto Gonzales.

Samantala, sinabi naman ni LT. Gen Edilberto Adan, Chairman, Advocates of National Interest, na kung gusto natin ng kapayapaan o kalayaan ay kailangan nating maging handa sa gyera.

“IF you want peace, prepare to wage war. If you want peace, if you are weak, mate-tempt na lalo kang pasukin, na apihin. ‘Yun ang ginagawa natin.”

“Hindi kasi libre ang freedom eh. ‘Yung kasarinlan, pinaglalaban ‘yan eh. At ang bayan, handang magsakripisyo. Ang giyera, mabilis ngayon, quick, decisive, and violent. It could be over in 3 days time. Some territories may have been occupied, ship sank. Let’s be prepared for that. If it happens,” pahayag ni Chairman, Advocates of National Interest, LT. Gen Edilberto Adan.

More in National News

Latest News

To Top