Connect with us

PBBM sa PNP: ‘Wag magpadala sa kritisismo at maging mahinahon sa pagpapatupad ng batas

PBBM sa PNP: ‘Wag magpadala sa kritisismo at maging mahinahon sa pagpapatupad ng batas

National News

PBBM sa PNP: ‘Wag magpadala sa kritisismo at maging mahinahon sa pagpapatupad ng batas

Sa gitna ng matagumpay na seremonya ng pagdiriwang ng ika-121 taong anobersaryo ng PNP Police Service, tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang suporta nito sa mga programa ng Philippine National Police.

Kasunod nito ang mabigat at emosyonal na paalala ng pangulo sa lahat ng kawani ng PNP na huwag pansinin at ikasama ng loob ang ibat-ibang hamon, problema, karanasan habang tumutupad ang mga ito sa kani-kanilang mga tungkulin.

Diin ng ng pangulo, kailangan pa rin aniyang manaig ang pagpapakumbaba at pagmamahal sa bansa.

Sa kabila naman aniya ng mga pagkakataong sinusubok ang emosyon at pagtitimpi ng mga pulos laban sa mga kriminal at gumagawa ng kasamaan, ganito pa rin pinaalalahanan ng pangulo ang tropa ng pambansang pulisya

Para naman sa PNP, mula noon hanggang ngayon hindi pa rin naman anila nagbabago ang kanilang panata sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Sa kabila anila ng pagbabago ng henerasyon, mas napaigting pa nito ang kanilang dedikasyon mula sa ibat-ibang hamon sa kanilang paglilingkod

Bagay na naging daan anila ito sa unti-unting pagkakasugpo sa mga problema ng bansa, partikular na ang kasalukuyang pamamayagpag ng komunismo at terorismo

Kasama na rin ang malaking kontribusyon ng PNP sa pagbaba ng bilang ng kriminalidad at iligal na droga sa bansa.

“The commemoration of the police anniversary is important because we commemorate the historic beginning of organized police service in the country more than a sanctuary of good today and at the same time, we acknowledge the outstanding work of the brave men and women of the PNP who labored tirelessly and to make sure that peace and harmony prevail throughout our country,” ani PBBM.

Sa ilalim ng temang Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran, muling nanindigan ang PNP na hindi ito magdadalawang isip na ipatupad ang batas at pagkondena sa mga maling pananaw lalo na’t kung nalalagay sa alanganin ang seguridad ng gobyerno

 

More in National News

Latest News

To Top