National News
PBBM, tinawag na dilawan ng isang kongresista
Tinawag na dilawan ni Albay Rep. Joey Salceda si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Dilawan ang tawag sa mga miyembro noon ng Liberal Party, ang ruling political group noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
At sa Duterte administration, mas naging popular ang bansag na dilawan sa uri ng pamamahala ng PNoy administration.
Ngunit sa isang press conference ngayong araw ng Lunes, Pebrero 12, ay tinawag ni Salceda na ‘dilawan’ si Marcos Jr. at inihambing pa ito kay PNoy.
“Sabi ko pa nga, mas dilawan pa ito kay PNoy,” ani Salceda.
Nasabi naman ito ni Salceda habang ipinapaliwanag kung bakit ingat na ingat si Pang. Marcos Jr. na magkomento sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Lalo na’t bunga ito ng 1986 People Power Revolution na siyang nagpatalsik sa kaniyang ama, ang dating diktador na si Ferdinand E. Marcos Sr.
Divisive ang isyu ng martial law sa mga Pilipino lalo na noong 2022 presidential elections.
Kaya ayon sa kongresista na chairman ngayon ng House Committee on Ways and Means, maingat ang pangulo sa ‘public perception’ sa mga isyu na may kinalaman sa ’86 Revolution.