Connect with us

PBBM, tiniyak na wala nang ipatutupad na lockdown vs COVID-19

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na wala ng lockdown na ipatutupad sa bansa laban sa COVID-19 Pandemic.

National News

PBBM, tiniyak na wala nang ipatutupad na lockdown vs COVID-19

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na wala nang lockdown na ipatutupad sa bansa laban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na hindi kakayanin pa ng bansa ang lockdown.

Aniya pa, dapat nang balansehin ng maayos ang kalusugan, kapakanan ng mga mamamayan at ekonomiya sa bansa.

Inihayag din ni Pang. Marcos na nakikipagtulungan na ang ibang ahensiya ng pamahalaan upang mamonitor ang COVID-19 hospital admission at matiyak ang healthcare system.

Magpapatuloy din aniya ang vaccine booster roll-out laban sa COVID-19, “Patuloy din ang ating vaccine booster roll-out para sa ating pangkalahatang depensa.”

“Sa ganitong paraan, kahit pa tumaas muli ang bilang ng ng covid cases, mananatiling mababa ang bilang ng mga ma-ospital at bilang ng mga namamatay. Sa pamamagitang ito, unti-unti rin tayong masasanay na nariyan ang virus pero hindi na seryoso ang banta sa ating buhay. Iaayon natin ang ating mga health protocols sa kung ano ang ating pangangailangan sa paglipas ng panahon at lalo pang iibayuhin ang kooperasyon kasama ang pribadong sektor upang tumaas pa ang kumpyansa ng mga mamumunuhan nang sa gayon ay bumalik na tayo sa full capacity lalong-lalo na ang ating mga negosyo,” paliwanag ng pangulo.

Sinabi din ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA na magpapatayo ang bansa ng sariling center for disease control and prevention at ang isang vaccine institute.

Kailangan aniya sa bansa ang mas matibay na healthcare system hindi lamang sa National Capital Region kundi maging sa ibang parte ng bansa.

“Magtatayo tayo ng dagdag na mga health center at ospital. But beyond the issues that the pandemic has brought, the need for a stronger healthcare system is self-evident. We must bring services, medical services to the people and not wait for them to come to our hospitals and healthcare centers,” saad nito.

Binanggit din ni Pangulong Marcos na kailangan nating magkaroon ng sapat na gamot at katunayan aniya, nakikipag-usap na siya sa ibang bansa upang mapababa ang presyo ng gamot sa merkado.

“Kung mas marami ang mas murang generic o hindi branded na gamot sa mercado, mas bababa, mas bababa rin ang presyo dahil sa kompetisyon. Ang Department of Trade and Industry at nakikipag-usap sa mga interesadong manufacturer ng generic drugs na papasok sa ating bansa.”

Inatasan na rin aniya nito ang Philippine Competition Commission na gawing pantay-pantay at walang cartel sa hanay ng mga pharmaceutical companies.

Ipinunto din ni Pangulong Marcos sa kanyang unang SONA na dapat matuto na tayo sa dalang aral ng pandemya sa isyu ng kalusugan, “This is one of the hard lessons that we learned when the pandemic struck and therefore we must act on that shortcoming.”

More in National News

Latest News

To Top