National News
PCC, may kapangyarihan para sugpuin ang cartel – Rep. Quimbo
Iginiit ni Marikina Rep. Stella Quimbo na may ahensya ng gobyerno ang nakatuon sa pagsawata sa iba’t-ibang uri ng cartel sa bansa lalo na sa agriculture products.
Sa pagdinig ng iginiit ni Quimbo na ang Philippine Competition Commission (PCC) ang siyang naatasan at may mandato laban sa mga ito.
Aniya, may leniency program ang PCC laban sa pag-usbong ng cartels at pagtugis sa mga ito.
“The PCC has a leniency program designed to deter the creation of cartels and aid in the detection and prosecution of existing cartels,” ani Quimbo.
Pinagsabihan naman ni Quimbo ang mga opisyal ng Bureau of Plant and Industry (BPI) na dumalo sa hearing at makipag-ugnayan sa PCC at i-report ang mga cartel.
Saad ni Quimbo, tungkulin ng lahat ng ahensya na makaipag-ugnayan sa PCC sa isyu ng cartel para ito’y maaksyunan.
Nakikita naman ng ekonomistang mambabatas na may problema ang BPI dahil wala itong koordinasyon sa PCC.
Kabisado naman ni Quimbo ang mandato ng PCC dahil nagsilbi itong commissioner ng tanggapan mula 2016-2019.