Connect with us

PCG, naghigpit sa kanilang patrolya vs iligal na droga

PCG, naghigpit sa kanilang patrolya vs iligal na droga

National News

PCG, naghigpit sa kanilang patrolya vs iligal na droga

Mas hinigpitan pa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang pagbabantay sa mga karagatan at baybayin ng bansa laban sa mga tangkang pagpupuslit sa bansa ng mga iligal na droga.

Ngayong Marso 2024, nakapagtala ang PCG ng 5 insidente ng pagtatangkang maipasok sa bansa ang bloke-blokeng cocaine.

Kaya naman agad na nagbigay direktiba ang pamunuan nito na mas paigtingin pa ang pagpapatrolya sa karagatan at mga baybayin sa bansa para mapigilan ang pagpasok ng ipinagbabawal na mga gamot

Batay sa kanilang monitoring:

March 1, 2024, isang brick ng cocaine ang kanilang narekober sa karagatan ng Brgy. Bungtod, Tandag City, Surigao del Sur. Nagkakahalaga ito ng mahigit P5-M.

March 4, nang namataan rin ang isang brick ng cocaine sa kaparehong lugar na may halagang P5.7-M.

4 na araw lang ang lumipas nang muling nakarekober ang PCG ng 21 bricks ng cocaine sa 2 magkahiwalay na lugar.

Nakuha ang 20 bricks ng cocaine sa baybayin ng Arteche Eastern Samar habang isa naman sa Surigao del Norte na may pinagsamang kabuuang halaga na P111-M.

Batay sa rekord ng PCG, umabot na sa P122-M na halaga ng cocaine ang kanilang naitala ngayong Marso.

Sa pahayag ng Coast Guard, nasa Eastern Seaboard ng bansa ang kadalasay may kaso ng floating cocaine.

Sa ngayon, kaliwat kanang koordinasyon ang ginagawa ng ahensiya para matiyak na hindi makalulusot ang anumang uri ng iligal na droga sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top