Connect with us

PCG, nagpalipad ng Coast Guard aircraft sa gitna ng paglalayag ng civilian group na Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc

PCG, nagpalipad ng Coast Guard aircraft sa gitna ng paglalayag ng civilian group na Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc

National News

PCG, nagpalipad ng Coast Guard aircraft sa gitna ng paglalayag ng civilian group na Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson on the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang pagpapalipad ng kanilang Coast Guard aircraft kasabay ng paglalayag ng isang civilian group na Atin Ito Coalition patungo sa Bajo de Masinloc na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Itoy upang matiyak na magiging ligtas ang pagpalaot ng nasabing grupo.

Nabatid na marami ring mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang nakabantay diumano sa bahagi ng Bajo de Masinloc para pigilan ang paglalayag at mga aktibidad na gagawin ng nasabing civilian convoy.

Umaasa naman ang PCG na magiging maayos ang pagtungo ng grupo sa lugar dahil barkong yari sa kahoy lamang ang gamit ng grupo sa kanilang paglalayag.

Nakahanda naman anila ang pamahalaan na tumugon at umalalay sa grupo sakaling magkaroon ng tensiyon sa pagitan nito at mga barko ng Tsina.

Araw ng Martes, Mayo 14, nang nagsimulang pumalaot ang grupo at tatagal ito hanggang sa Biyernes, May 17, 2024.

Nauna na ring nagpadala ng barko ang Philippine Navy (PN) para tiyakin na magiging ligtas ang biyahe ng grupo.

More in National News

Latest News

To Top