Connect with us

PCG, nagpasalamat sa nakatakdang tulong na ipagkakaloob ng Amerika

PCG, nagpasalamat sa nakatakdang tulong na ipagkakaloob ng Amerika

National News

PCG, nagpasalamat sa nakatakdang tulong na ipagkakaloob ng Amerika

Masayang ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang matagumpay na pagbisita ni U.S. Vice President Kamala Harris sa Pilipinas.

Kasunod ito ng iniwang pangako ng opisyal ng Estados Unidos kaugnay sa paglalaan ng kaukulang pondo bilang suporta sa mga karagdagang pasilidad ng ahensiya.

Kinikilala anila ng Amerika ang serbisyo ng Philippine Coast Guard lalo na sa pagbabantay sa teritoryo at karagatang sakop ng bansa.

Ayon sa bise presidente, layon nitong mapagbuti ang kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno na lumalaban sa iligal na pangingisda sa malawak na katubigan ng Pilipinas.

Gagamitin din aniya ang pondo para maitaas ang kalidad ng kani-kanilang monitoring system at equipment.

Sa kaugnay na balita, pinasalamatan naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento ang Estados Unidos sa patuloy na pagbibigay ng mga pagsasanay para mapalawak ang kakayahan ng mga pcg personnel partikular sa larangan ng maritime security, law enforcement, at maritime safety.

Matatandaang isa ang Philippine Coast Guard sa nagbigay ng seguridad kay Harris sa pagtungo nito sa Palawan para makipagkita sa mga residente ng Puerto Princesa Port, Palawan November 22, 2022.

Sakay ang bise presidente ng BRP Teresa Magbanua kasama si U.S. Ambassador to the Philippines Marykay Carlson.

Sa kabilang banda, nauna nang nilinaw ng pamahalaan na walang dapat ipag-alala ang publiko sa posibleng gulo na maaaring mangyari sa pagitan ng Amerika at bansang China na kasalukuyang may claim sa ilang isla sa West Philippine Sea.

More in National News

Latest News

To Top