Connect with us

PDEA agent na magdidiin kay PBBM sa isyu ng iligal na droga, lumantad na

PDEA agent na magdidiin kay PBBM sa isyu ng iligal na droga, lumantad na

National News

PDEA agent na magdidiin kay PBBM sa isyu ng iligal na droga, lumantad na

Lumantad na sa publiko ang dating investigation agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at team leader na nasa likod ng pre-operation report, order letter at authority to operate para hulihin ang artistang si Maricel Soriano at noo’y senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Sa pinakabagong video ng political vlogger na si Maharlika ay matapang na sinagot ng PDEA agent na si Jonathan Morales ang isyu na nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos sa ipinagbabawal na gamot at inamin na siya ang pumirma ng nasabing mga dokumento at hindi ito AI generated o gawa-gawa lang.

“Gusto ko lang pong linawin na ito po ay pirma ninyo at hindi po AI generated? Pirma ko po ‘yan ako po ang pumirma niyan at hindi lang po iisang ganyang ang napirmahan ko marami narin po akong pre-ops na na napirmahan,” ayon kay former Investigation Agent, PDEA, Jonathan Morales.

Si Morales ay dating pulis at na-recruit sa PDEA noong taong 2009 ngunit umalis sa serbisyo taong 2013.

“Meron pong litrato kasi ‘yung litrato na ‘yun nangggaling po sa cellphone ng reportee o ‘yung confidential informant.”

“Pero sigurado po kayo sa pagkakatanda niyo po na nandun sa litrato na nakafile sa PDEA ang mukha ni Maricel Soriano at at ni Bongbong Marcos? opo nandodoon po.”

“So ‘dun po sa picture na ‘yun meron silang sinisinghot na white powdery substance? Opo, wow! so grabe,” saad pa nito.

Ayon sa kanya, hindi natuloy ang operasyon na hulihin noon si Bongbong Marcos dahil mayroon aniyang pumigil rito ngunit tumanggi itong pangalanan dahil na rin sa gagawing imbestigasyon ng Senado.

“Pero masasagot niyo po ba na may pumigil dito? May pumigil pero hindi ko po muna sasabihin ‘yung indentity nung mga tao na nasa likod niya dun nalang po sa Senado ipagpaumanhin niyo po,” ani Morales.

Matatandaan noong unang lumabas ang mga dokumento ay tahasan itong itinanggi ng PDEA.

Giit pa nga noon ng PDEA, gawa-gawa lang ang mga dokumentong ‘yun dahil wala naman daw itong control number bagay na sinagot ni Morales.

“Ito po ay walang control number ang sabi nila gawa-gawa ni Maharlika ‘yan walang control number so ano po ba ang paliwanag natin bakit wala pong control number ito? ‘Yan po kaya walang control number kasi hindi natuloy kasi kung natuloy ‘yan ginawa ng opisina after na mapirmahan saka namin dadalhin ‘yan sa national operation center,” pahayag pa nito.

Dahil sa mga rebelasyon ni Morales, mas tumibay pa’t naging malinaw sa taumbayan ang mga naunang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y paggamit ni PBBM ng iligal na droga.

“Ano po feeling ninyo that moment na pinagbawalan kayong ituloy ang pag-aresto o pag raid dito kay Maricel Soriano at Bongbong Marcos? Disappointment kasi unang-una ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ginawa ‘yan para sa any person walang exemption jan eh kumbaga ginawa yang batas para papanagutin kahit man sinong tao,” dagdag pa ni Morales.

Sa huli, hinamon ni Morales si PBBM na sumailalim nalang sa drug test.

“Kaya ang demand sa kanya lalo ‘yung grupo namin at demand namin sa kanya is hair drug test kumbaga ‘yun talagang makikita talaga kahit matagal kang gumamit makikita ron,” aniya.

More in National News

Latest News

To Top