Connect with us

PDEA, nilinaw ang rason kung bakit may ilegal na droga pa rin sa Pilipinas

Binigyang-diin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na marami ang nagawa ng war-on-drugs sa ilalim ng Duterte Administration.

National News

PDEA, nilinaw ang rason kung bakit may ilegal na droga pa rin sa Pilipinas

Binigyang-diin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na marami ang nagawa ng war-on-drugs sa ilalim ng Duterte Administration.

Isinalaysay ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon sa Sonshine Radio na sa nakalipas na 6 na taon, nalansag na nila ang lahat na industrial-type na pagawaan ng droga kasabay ng pagkakahuli ng maraming drug lords, protectors, traders at users.

Kung meron mang natira, mangilan-ngilan nalang aniya na kitchen-type laboratories at nawawasak pa nila.

Nilinaw lang nito na may nananatiling tumatangkilik ng smuggled na ilegal na droga sa bansa kung kaya’t may nahuhuli pa rin sila gaya sa kanilang isinasagawang drug buy bust operations.

“Hindi ‘yan titigil ang sindikato sa pagpapadala ng ilegal na droga dito sa ating bansa hangga’t mayroon pang tumatangkilik o gumagamit ng iligal na droga,” ani Carreon.

Dahil dito, ayon kay Carreon, kailangan mabigyan at mas mapalakas ang community o facility-based intervention and rehabilitation ang mga nagsu-surrender depende sa degree ng kanilang drug use.

‘Yan po ‘yun sana mabigyan ng intervention para hindi na po sila ulit babalik sa paggamit ng iligal na droga. Address po natin ‘yun for illegal drugs wala na pong gagamit parang produkto lang naman ‘yan.

Droga is all about money and about business. Kapag walang bibili ng produkto, wala pong silbi na magbagsak sila dito sa Pilipinas,” dagdag pa nito.

Sa halos 1.3 million na illegal drug surrenderees, kalahating milyon lang aniya ang may record na na-rehabilitate.

Nilinaw rin ni Carreon na mga banyaga ang karamihan sa mga nahuhuli sa buy bust operations na madalas ay konektado sa golden triangle drug syndicate.

More in National News

Latest News

To Top