Connect with us

PDEA, takot banggain si PBBM kaya pilit na itinatanggi ang isyu ng paggamit nito ng iligal na droga – FPRRD

PDEA, takot banggain si PBBM kaya pilit na itinatanggi ang isyu ng paggamit nito ng iligal na droga – FPRRD

National News

PDEA, takot banggain si PBBM kaya pilit na itinatanggi ang isyu ng paggamit nito ng iligal na droga – FPRRD

Pilit na itinatanggi ng kasalukuyang administrasyon ang pagkakasangkot ni Pangulong Bongbong Marcos sa iligal na droga.

ito’y kahit pa nga nagsalita na noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakita niya mismo ang pangalan ni Marcos sa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong siya ay alkalde palang ng Davao City.

Pero ang PDEA todo tanggi sa isyu kahit pa nga naglabas na rin ng political vlogger na si Maharlika ang dokumentong nagpapatunay na minsan nang naging target ng PDEA si Bongbong Marcos sa operasyon nito noong taong 2012.

Sa isang pulong balitaan araw ng Huwebes, Abril 11, ipinaliwanag ni dating Pangulong Duterte kung bakit ito patuloy na itinatanggi ng PDEA.

Takot nga raw ang PDEA o kahit na anong ahensiya ng pamahalaan na bumangga sa kasalukuyang presidente ng bansa.

Kaya kahit anong gawing sigaw ng taumbayan tungkol sa isyu, patuloy daw itong itatanggi ng ahensiya.

“Ako una ‘yung nagsabi na drug addict siya. Hindi naman ako nagi-imbento ng istorya pero ‘yung sinasabi ng PDEA ngayon na hindi ito totoo, natural ‘yan ma’am kasi panahon ni Marcos and no agency in government can go head-to-head with the president sa bagay na ‘yan so sinusupress ‘yan,” ayon kay former President of the Philippines, Rodrigo R. Duterte.

Sinabi niya na noong naging presidente siya ay nakita niyang muling ang pangalan ni BBM sa listahan ng PDEA pero sinabihan niya lang ang mga nooy nasa PDEA na gawin lang ang kanilang trabaho.

“Noong as early as, hindi pa ako presidente, nung presidente mas lalo kong nakita i saw it again but ‘yung dito sa Davao ma-ano talaga ako sa droga pinakita nila si Marcos nandoon hindi ko binigyan ng importansya ang sinabi ko lang sa kanila trabaho lang kayo huwag na ninyo akong isali,” dagdag pa ng dating pangulo.

Ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung meron man siyang isang bagay na pinagsisisihan, ‘yun ay ang hindi agad hinuli noon si Bongbong Marcos.

“When I was a president, I was looking at the ‘yung full story of pagka-adict ni Marcos kaya lang naman maam sabi ko sana hinuli na nila.”

“Sana hinuli nalang nila noon, ang pagkamali ko lang rin kasi mayor lang ako noong unang nakita ko sana nung na presidente ako,” ani Duterte.

Iginiit ng dating pangulo na takot ang PDEA na banggain ang Pangulong Marcos at maaaring sa ngayon ay nabura na ang record nito sa PDEA na gumagamit ng iligal na droga.

“’Yung pinakita sa akin noong presidente ako alam ko ‘yan pinakita din sayo kasi presidente ka o takot lang ‘yung mga G*G* at PDEA at lahat ng mga dokumento na ‘yan talagang inano na ‘yan its either they were erased or,” pahayag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top