National News
PDP-Laban, iboto para sa tunay na pagbabago ng Pilipinas — VP Sara
Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na iboto ang mga kandidato ng PDP-Laban upang makita ang tunay na pagbabago sa Pilipinas.
Sa isang sortie na dinaluhan ng Pangalawang Pangulo, binigyang-diin nito na ito ang susi upang maipagpatuloy ang mga nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito rin ang paraan upang makamit ang tunay na pagbabago na hindi gaya sa sinasabing ‘Bagong Pilipinas’ ngunit wala namang nakikitang positibong pagbabago.
Samantala, sinabi ni VP Sara na ang mga halalan ngayong 2025 at sa taong 2028 ang pinakarason kung bakit dinala sa Netherlands ang kanyang amang si FPRRD.
Lalo na aniya at malakas o lumalakas ang oposisyon sa 2028 election.
Sa muli, ay malinaw aniya ni VP Sara na may motibong politikal kung bakit ipinakulong si FPRRD sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa Netherlands.
