Connect with us

PDP-Laban, kinilala na ruling party ng COMELEC; Sec. General ng Partido, ibinahagi kung ano ang advantage nito

National News

PDP-Laban, kinilala na ruling party ng COMELEC; Sec. General ng Partido, ibinahagi kung ano ang advantage nito

Ikinatuwa ng PDP-Laban na kinilala ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang partido bilang dominant ruling party ngayong halalan.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng internal problems sa partido ayon kay Atty. Melvin Matibag, Secretary General ng PDP-Laban sa panayam ng Sonshine Radio.

No photo description available.

Ibinahagi ni Matibag na hindi lang isang faction ang kinilala ng COMELEC dito ngunit ang kabuoang bilang ng PDP-Laban members na tumakbo ang dahilan kung bakit kinilala ito bilang dominant party.

Ang isa sa advantage dito ani Matibag, may pribilehiyo ang ruling party na makatanggap ng election return results.

Ibig sabihin, magkakaroon sila ng kopya sa mga dokumento mula mismo sa VCMs na siyang nagpapakita ng kabuoang boto nilang nakuha sa isang probinsya at munisipalidad.

“Well, unang-una ‘yun pong binibigay na kopya, meron po kasing print-out ng election return ‘yan, 7 copies po yan. Ang dominant majority political party will be entitled with that imprinting po ng mga copy. Kasama po doon sa pitong kopya na ‘yun ang unang makakakuha po, ‘yung dominant majority, political party po. So, ‘yun po ang isang napaka-importante diyan,” ani Matibag.

More in National News

Latest News

To Top