Connect with us

PDP, nakipag-alyansa sa tatlong partido; 3 senatoriable, inindorso na

Nakipag-alyansa ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlo pang partido sa bansa.

National News

PDP, nakipag-alyansa sa tatlong partido; 3 senatoriable, inindorso na

Nakipag-alyansa ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tatlo pang partido sa bansa.

Ito ay ang Partido para sa Demokratikong Reporma o Partido Reporma ni dating house Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica.

At ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Ang paglagda sa kasunduan ng apat na partido ay isinagawa noong Biyernes, Setyembre 20 kasabay ng PDP national assembly sa D’leonor Inland Resort sa Davao City.

May be an image of 9 people, dais and text

Tinatayang nasa mahigit 1,200 opisyal at miyembro ng PDP mula sa buong bansa ang dumalo sa naturang national assembly.

Kasabay rin nito ay inindorso ng PDP ang tatlong senatoriable para sa 2025 midterm elections na sina Senator Bato Dela Rosa, Senator Bong Go, at Philip Salvador. 

More in National News

Latest News

To Top