Connect with us

Pera, dahilan kung bakit maraming may ambisyong maging presidente ng bansa – FPRRD

Pera, dahilan kung bakit maraming may ambisyong maging presidente ng bansa – FPRRD

National News

Pera, dahilan kung bakit maraming may ambisyong maging presidente ng bansa – FPRRD

Oportunidad para kumita ng malaking pera.

Iyan ang nakikita ni dating Pang. Rodrigo Duterte na dahilan kung bakit may mga taong nagnanais na makuha ang posisyon ng pagkapangulo ng bansa.

Iyan ang inilahad ng dating pangulo sa programang Gikan sa Masa Para sa Masa kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“The opportunity to make, to amass, not to make to amass wealth. Either legitimate or illegitimate, it’s an opportunity wide open for anybody who is enterprising and would want to amass wealth that would assure the seventh generation of a comfortable life. Wala na hindi na sila mag trabaho ganun ‘yan,” ayon kay former Pres. Rodrigo Duterte.

Kaya naman, aniya, sa kanyang administrasyon noon, hindi siya pumayag na magkaroon ng mga malalaking transaksyong kung saan siya ang pipirma.

Iyon ay dahil hindi maiiwasan na isipin ng mga tao na mayroong perang kalakip ang pagpayag sa malalaking proyekto na pinapapasok ng gobyerno sa bansa.

“I never allowed itong mga transactions sa gobyerno na magpipirma pa ako, mag-approve, mga reclamation, ayaw ko, ayaw ko talaga. Kasi, alam mo, walang maniwala eh. You grant, itong mga reclamation, mga multi-billion yan, walang maniwala na hindi ka tumatanggap ng ano. So, para wala nang masabi, wala akong pirmahan, wala akong kinakausap na negosyante. Never,” dagdag pa ng dating pangulo.

Kaya para kay Pastor Apollo, napakaswerte ng Pilipinas na nakaranas ito ng pamamahala ng isang Rodrigo Duterte na mula sa Davao City.

Ani Pastor Apollo, tapat sa pera ang dating pangulo ngunit hindi talaga maiiwasang mayroong mga indibidwal na ang oportunidad para kumita ng napakalaking pera ang nakikita sa posisyon ng pagkapangulo.

“You are really a rare person in politics. You are a gift to the Filipino people. Kasi ‘yung regular na nakita namin, [tulad ng] sinabi mo na there is that opportunity [to amass wealth in presidency], but in your case, even when you are in Davao, ang nakikita mo lang ‘yung trabaho. Pagkatapos, kung ano ang magawa mo sa trabaho mong ‘yun. Kung anong sweldong tanggapin mo, ‘yun ang sayo. But many others, they see that as an opportunity [to amass wealth] as you said,” ayon naman kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Samantala, kaugnay nito ay binatikos naman ng dating pangulo ang mga pulitiko na pilit na inilalagay ang kanilang pangalan at mukha sa mga proyekto ng gobyerno.

Nilinaw ni dating Pang. Duterte na ang mga proyekto na ito ay hindi nararapat na pangalanan sa ilalim ng nakaupong opisyal dahil ito ay pondo ng taumbayan.

“It’s not their money, it’s not supposed to be branded around, you’re supposed to do it because that’s your job.  So, you do not have to announce to the world that a cause to be built in this, natural,” ani former President Duterte.

Diin ni dating Pang. Duterte, delikadesa ang tawag niya rito na kinakailangan namang maintindihan ng maraming politiko.

“Marami akong kaibigan ganun, it’s a matter of delicadeza kasi. So, delicadeza is something values na pagtingin ‘yung outlook mo sa buhay mo, marami talaga ang nagkulang dyan. ‘Yung anong tamang diskarte,” saad pa nito.

Samantala, matatandaang ilang beses nang isinulong sa kongreso na magkaroon ng batas kaugnay dito o ang tinatawag na Anti-Epal Law ngunit hindi pa rin ito nakalusot.

More in National News

Latest News

To Top