Connect with us

Pera, mas gustong matanggap ng mga Pinoy sa Araw ng mga Puso – survey

Pera, hindi pag-ibig ang mas gustong matanggap ng mga pilipino ngayong araw ng mga puso – SWS Survey

National News

Pera, mas gustong matanggap ng mga Pinoy sa Araw ng mga Puso – survey

Mas gusto ng mga pilipino na makatanggap ng pera kaysa sa anumang regalo ngayong araw ng mga puso.

Ito ang lumabas sa national survey ng Social Weather Stations (SWS) noong araw ng linggo.

Mula sa top 10 na pangunahing bagay na lumabas sa survey na gusto ng mga pilipino ay nangunguna ang money o pera na nakakuha ng 16%, sinundan ito ng love and companionship (pag-ibig at pagsasama) na may 11.

Pangatlo naman dito ang flowers na sinundan ng apparel o damit.

Pareho namang nakakuha ng tig-5% na boto ang any gift from the heart, mobile phone, watch and jewelry at good family relationship.

Nakakuha naman ng tig-3% ang food and grocery items, at chocolates.

Isinagawa ang face to face na 4th quarter 2023 survey ng SWS noong December 8 – 11 na nilahukan ng 1,200 adults sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top