Connect with us

Pera, mas mainam ibigay kaysa bigas – Libanan

Pera, mas mainam ibigay kaysa bigas – Libanan

National News

Pera, mas mainam ibigay kaysa bigas – Libanan

Maganda ang mamahagi ng bigas subalit mas mainam kung pera nalang.

Tugon ito ni House Minority Leader 4Ps Party-list Rep. Nonoy Libanan sa suhestiyon na gawing bigas nalang ang ipamigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Aniya, mas mabilis na maipapadala sa mga benepisyaryo ang pera kumpara sa bigas na kailangan pang ihatid.

Kung cash rin ay maaari pang magamit ang mga ito sa agarang pangangailangan ng benepisyaryo gaya ng para sa pagkain, medisina, o pamasahe sa mga anak na nag-aaral.

Sa kasalukuyan ang ipinamimigay ng pamahalaan na monthly rice subsidy sa 4Ps beneficiaries ay cash na nagkakahalaga ng P600.

More in National News

Latest News

To Top