Connect with us

Percy Lapid case, ‘di pa solved hangga’t ‘di nahuli ang mastermind – Roque

Percy Lapid case, 'di pa solved hangga't 'di nahuli ang mastermind – Roque

National News

Percy Lapid case, ‘di pa solved hangga’t ‘di nahuli ang mastermind – Roque

Hindi pa masasabing case closed na ang case.

Ito ang inihayag ni Atty. Harry Roque sa kanyang programa sa SMNI kasunod sa sinabi ni Southern Police District Director Brig. Gen. Kirby Jhon Kraft na lutas na ang kaso dahil natukoy at nasa kustodiya na nila ang mga suspek.

“Well, the act of one is the act of all. Sinabi naman nung hitman na talagang may middle man na siyang nagsabi  kung magkanong ibabayad sa kanya para patayin si Percy Lapid. Bakit hindi pa natin hanapin ang mastermind? Kapag sasabihin nating case closed na ‘yan, paano ba ‘yan? Nagbayad ng konting halaga tapos ‘di na mahuhuli ang nagbayad, edi magbabayad muli ‘yan para pumatay ulit. so, importante po para matigil ang patayan sa lipunan, talagang ipatupad ang batas, hanapin ang mastermind. Ang aking mamumungkahi sa SPD, habang wala pa po ang mastermind, dapat contuing investigation,” saad ni Roque.

Nakapaghain na rin sila ng murder case sa mga ito.

Aniya, huwag munang sabihing case solved ngayong hindi pa nahuhuli ang mastermind.

Maliban pa dito, mas maiging malaman ang totoong mastermind dahil unfair aniya para kay Pangulong Bongbong Marcos at dating Pang. Rodrigo Duterte na pinabibintangan sa pagkamatay ng brodkaster.

Malilinis din aniya ang pangalan ng administrasyon kung maipapakita sa taong bayan kung sino talaga ang may kagagawan nito at hinikayat din nito ang pulisya na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

More in National News

Latest News

To Top