National News
Performance ng Meralco, hihimayin ng Senado
Hihimay-himayin ang performance ng Meralco sa Senado kung mag-aapply na ito para sa kanilang franchise renewal.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, isa rito ay ang presyo ng kuryente at maging sa serbisyo nila gaya ng pagkakaroon ng brownout.
Sa ngayon ay wala pang panukala mula sa mga senador na naglalayong palawigin ang congressional franchise ng Meralco pagkatapos ng expiration nito sa 2028.
Ang Meralco ang pinakamalaking distribution utility sa Pilipinas kung saan abot nito ang 39 lungsod at 72 na mga munisipalidad.
