Regional
Personnel ng 2 prison facility, negatibo sa illegal drug tests
Negatibo sa illegal drugs test ang 50 personnel ng Iwahig Prison at Penal Farm sa Palawan.
Ayon ito sa Bureau of Corrections (BUCOr) matapos isinagawa ang drug test noong Agosto 20, 2024.
Sa kaparehong illegal drugs tests ay nagnegatibo rin ang 878 personnel ng Davao Prison and Penal Farm.
Ang illegal drug tests ay isinagawa para maitaguyod ang maayos na kalusugan at kaligtasan ng personnel at prison facilities.