Connect with us

Petisyon na humiling na ipatigil ang proklamasyon ni BBM, inihain sa SC

Isang petisyon ang inihain ngayon sa Korte Suprema na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy ni predident-elect Ferdinand Marcos Jr.

National News

Petisyon na humiling na ipatigil ang proklamasyon ni BBM, inihain sa SC

Isang petisyon ang inihain ngayon sa Korte Suprema na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni predident-elect Ferdinand Marcos Jr. at ipahinto ang canvassing ng mga boto at pagproklama kay Marcos.

Ang 70 pahinang petition for certiorary ay inihain nina Father Christian Buenafe, Fides Lim at mga kasamahan na dati ng naghain ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) para ipakansela ang kandidatura ni Marcos.

Kabilang sa mga respondents ay ang COMELEC, Marcos Jr., Senado at ang Kamara na nakatakdang mag-convene bilang National Board of Canvassers.

Nakasaad sa petisyon na hinihiling nila sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para ipatigil ang canvassing at proklamasyon.

More in National News

Latest News

To Top