Connect with us

Petisyon na ibalik ang NAIA sa dating pangalan na MIA, ibinasura

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty.Larry Gadon na ipawalang bisa ang RA 6639 o ang batas na nagpalit sa pangalan ng Manila International Airport na ginawang Ninoy Aquino International Airport.

National News

Sinabi ni Supreme Court Public Information Office Chief Atty Brian Hosaka na unanimous ang resulta ng botohan ng mga mahistrado na nagdismis sa petisyon ni Gadon.

Noong nakaraang linggo ay dumulog sa Supreme Court si Gadon at hiniling nito na ideklarang iligal ang batas na nagpangalan sa Manila international Airport bilang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Paliwanag ni Gadon na base sa National Historical Commission of the Philippines Guidelines ay nakasaad ang mandato na walang pampublikong lugar na dapat palitan ang pangalan o ipangalan sa sino mang indibidwal sa loob ng 10 taon ng kanyang kamatayan maliban na lamang sa mabigat na kadahilanan.

Si  dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino 3rd aniya ay na-assassinate sa Tarmac ng nasabing paliparan noong August 21, 1983 at ang MIA ay pinalitan ng pangalang NAIA noong November 1987.

More in National News

Latest News

To Top