Connect with us

Petisyon na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA, ibinasura ng Manila Court

Petisyon na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA, ibinasura ng Manila Court

National News

Petisyon na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA, ibinasura ng Manila Court

Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 19 ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na naglalayong ideklara na teroristang grupo ang CPP-NPA.

Batay ito sa 135 pages na resolusyon na inilabas ng naturang branch nitong September 21, 2022 at si Mario Magdoza-Malagar ang presiding judge.

Subalit kung matatandaan, sinabi ni dating Sen. Panfilo Lacson na siyang may-akda ng Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act ay idineklarang terorista ang CPP-NPA-NDF.

Maging ang European Union, Estados Unidos at mga bansa tulad ng Canada, United Kingdom, Australia at New Zealand ay kinokonsidera ang CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization.

Taong 2018 nang inihain ng DOJ ang petisyon at ninanais nitong madeklara bilang terorista ang CPP-NPA-NDF sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act of 2007.

More in National News

Latest News

To Top