Connect with us

Petisyon para mapatalsik sa pwesto si Mayor Guo, inihain na ng OSG

Petisyon para mapatalsik sa pwesto si Mayor Guo, inihain na ng OSG

National News

Petisyon para mapatalsik sa pwesto si Mayor Guo, inihain na ng OSG

Tuluyan nang naghain ng petition for quo warranto ang Office of the Solicitor General (OSG) laban kay Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Manila Regional Trial Court para sa pagpapatalsik nito sa pwesto dahil hindi ito isang Filipino Citizen.

Nakasaad sa 45 na pahinang petisyon na batay sa records, si Guo Hua Ping o a.k.a. Alice Guo ay isang Chinese national at holder ng Chinese passport at anak ng dalawang Chinese nationals na si Lin Wenyi at Guo Jian Zhong.

Ang Alien Fingerprint Card ni Guo sa kaniyang araw ng kapanganakan, kaarawan at sa kaniyang home country address na Fujian China at ang kaniyang Nationality bilang Chinese ay nagmatch o tumugma sa mga isinumite ni Lin Wenyi.

Ang paggamit nito ng Chinese passport ay maipapapakita umano sa travel records na hawak ng Bureau of Immigration (BI).

Sa travel records ng BI, July 12, 1999, ng unang dumating si Guo sa bansa gamit ang Chinese passport.

Sa report naman ng NBI, ang fingerprint ni Guo Hua Ping sa alien fingerprint card nito noong March 28, 2006, at ang fingerprint ni Alice Guo sa biometric print out ng Master Files sa NBI ay galing sa iisang tao.

Sinasabi rin sa petisyon na hindi naging Filipino Citizen sa pamamagitan ng kapanganganakan o naturalization si Guo.

Hindi anito legal o makakatotohann ang basehan ng late registration para sa birth certificate ng suspendidong alkalde dahil ang mga pangalan na inilagay nitong mga Pilipinong magulang ay hindi nag-eexist dahil wala itong record ng kanilang kapanganakan, kasal o kahit death records ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naniniwala ang OSG na usurpation ang ginawa ni Alice Guo at hindi ito eligible na humawak ng posisyon sa gobyerno.

Apela nito sa korte na maipawalang bisa ang proklamayon kay Guo bilang mayor ng Bamban at mapatalksik ito sa pwesto.

Bago ang naturang petisyon, matatandaang naghain na ng apela ang OSG sa Tarlac Regional Trial Court para sa pagpapakansela ng birth certificate ni Mayor Guo.

Nakatakda ang pagdinig sa petisyon sa buwan ng Setyembre.

 

More in National News

Latest News

To Top