National News
Pfizer at BioNTech, magsasagawa ng global study laban sa COVID-19
Uumpisahan na ng German Biotech Company na BioNTech at U.S drugmaker na Pfizer Inc. ang kanilang global study para sa posibleng gamot ng COVID-19.
Ito ay para ma-evaluate ang kanilang mga kandidatong gamot laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kapag naging matagumpay ang nasabing pag-aaral, maaari nang mag-sumite ng regulatory approval ang mga nasabing kumpanya sa Oktubre.
Tiniyak din nila na maaari na silang mag-suplay ng 100 million doses sa katapusan ng taong 2020 at 1.3 billion sa katapusan ng 2021.
Kabilang sa pag-aaralan ang aabot sa 120 sites sa buong mundo at 30,000 participants.
Sa ngayon, inilunsad ng Moderna ang advanced stage trial na mayroong 300,000 participants at ang Johnson & Johnson ay mag-uumpisa na ng clinical trial ngayong linggo.
