Connect with us

Pfizer, pinag-aaralan ang pagkakaroon ng Omicron-targeting vaccine

Pfizer, pinag-aaralan ang pagkakaroon ng omicron-targeting vaccine

National News

Pfizer, pinag-aaralan ang pagkakaroon ng Omicron-targeting vaccine

Pinag-aaralan na ng Pfizer ang pagkakaroon ng bagong bersyon ng kanilang bakuna.

Ayon kay Pfizer Vaccine Research and Development head Kathrin Jansen, layunin nito na magkaroon ng booster shot laban sa Omicron variant.

Sa kanilang pag-aaral, nakakalusot kasi anila ang Omicron sa proteksyon na ibinibigay ng orihinal nilang two-dose vaccine.

Tinitingnan na rin nila ang pagkakaroon ng fourth dose para sa mga taong nauna nang nakatanggap ng third dose.

Nilinaw naman ng Pfizer na nakadepende parin sa clinical trial data na kinakailangan ng regulators para mangyari ang planong paglulunsad ng Omicron-targeting vaccine sa huling bahagi ng Marso.

More in National News

Latest News

To Top