Connect with us

PFP at LAKAS-CMD, lumagda ng alyansa para sa 2025 midterm elections

PFP at LAKAS-CMD, lumagda ng alyansa para sa 2025 midterm elections

National News

PFP at LAKAS-CMD, lumagda ng alyansa para sa 2025 midterm elections

Nilagdaan ang isang alliance agreement sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Makati City nitong umaga ng Miyerkules, Mayo 8, 2024.

Tinawag itong ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ na naglalayon na iangat daw ang buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Naging panauhing pandangal si Pangulong Bongbong Marcos sa paglagda ng alyansa na dinaluhan ng humigit-kumulang 300 miyembro ng PFP at Lakas-CMD.

Sinabi ni Marcos na nabuhayan siya ng loob sa labis na suporta ng mamamayang Pilipino noong 2022 presidential elections, na nag-udyok sa paglikha ng ‘UniTeam’ kasama si Vice President Sara Duterte.

Ang PFP, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), Partido ng Masang Pilipino (PMP) at mga guest candidate mula sa iba pang partido ay binubuo ng UniTeam Alliance sa 2022 national polls.

Matatandaang nakakuha si VP Sara ng mahigit 32-M boto sa 2022 elections habang nanalo si Marcos sa halalan sa pagkapangulo na may 31-M boto.

Subalit sa mga prayer rally partikular sa Dumaguete City, ay muling isinawalat ni Atty. Glenn Chong ang pandaraya umano ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa eleksyon kasabwat ang Smartmatic para ipanalo si Marcos Jr.

Aniya, minanipula raw ng mag-asawang Marcos ang 2022 Presidential Election results.

Sinabi pa ni Atty. Chong na tanging si VP Sara lang ang aniya’y “rightful at legitimate leader” ng bansa na talagang binoto ng 32-M Pilipino.

“Mubarog ta karon. Bawion nato ang atong kaugmaon gikan kanila kay wala sila’y katungod, kay gitikas nila ang atong eleksyon. Ug wa’y lain nagpabilin nga opisyal nga tinuod nga gipili sa katawhan, kundi si Sara Duterte,” ayon kay former Congressman of the Lone District of Biliran, Atty. Glenn Chong.

“Tumindig tayo ngayon. Bawiin natin ang ating kinabukasan mula sa kanila dahil wala silang karapatan, sapagkat dinaya nila ang ating eleksyon. At walang ibang opisyal na nananatiling totoong pinili ng mga mamamayan, kundi si Sara Duterte.”

More in National News

Latest News

To Top