Connect with us

PGH, inilunsad ang E-dalaw para sa mga pasyente ng COVID-19

PGH, inilunsad ang E-dalaw para sa mga pasyente ng COVID-19

COVID-19 UPDATES

PGH, inilunsad ang E-dalaw para sa mga pasyente ng COVID-19

Inilunsad ng Philippine General Hospital (PGH) ang sistemang “E-Dalaw” o Electronic Dalaw para sa kanilang mga pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Home Go, Coordinator for Health Operations ng ospital, layon ng programa na maibsan ang lungkot ng mga pasyente.

Sa naturang sistema, makaka-video call ng mga pasyente ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi naman ni Melanie De Asis, Social Welfare officer ng Manila-based hospital sa PGH, ang E-Dalaw ay isa rin umanong paraan para makita ng mga pamilya ang lagay ng kanilang pasyente at mabawasan kahit papaano ang kanilang pag-aalala.

Bibigyan ng 40 minuto ang mga pasyente para makausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top